
Sunday, July 5, 2009
Tuesday, June 23, 2009
Saturday, June 13, 2009
Saturday, June 6, 2009
Saturday, May 30, 2009
TEN the evening news first grand EB party.
Sunday, May 10, 2009
6 years ago...

kuha ito noong 3rd year college ako, sa likod ito ng san agustin church, isa sa mga sikat na tourist spot sa intramuros, noong huling punta ko bawal ng pasukan ito dahil "inaayos daw", bakit kelangang ayusin di naman sira?
mas maganda ito dati, pati yung gilid na wall na tira lang din noong original structure.
sayang. di na nagawang makita pa ng iba ito.
Friday, May 1, 2009
Thursday, April 30, 2009
..

Di lubusang matanggap.
Sa di maikubling pighati at pag-iyak,
Tanging dasal ay matanggap ng maluwag,
Kayanin ang sakit at nawa’y lalong patatagin,
Diyos na mahabagin, ito sana ay dinggin.
this one's for a friend who lost her only sister.
...sometimes those who matters most are the ones taken away, we can only ask why and get all the answers in time.
this one's for you lheannete, know that we are all here for you... you can always go "home".
Monday, April 27, 2009
siops!
25april2009
thesismate ko siya nung college, romi ang palayaw n'ya pero siops ang tawag ko sa kanya, kasabayan ko ito sa kainan (di kami nagpapanggap, malakas talaga kaming kumain.) antukin at kahit na galit na s'ya mahinahon pa rin magsalita pero kapag tumawa yan, malamang maririning ng buong barangay, marami kaming pinagsamahan nitong taong 'to, naalala ko gumagawa kami ng thesis pareho kaming walang pera, utang lang sa isa pa naming kasama sa thesis, pag nakikita ko ang mga CPU sa computer shot namin naaalala ko si siops, kasi nung gumagawa kami ng thesis, umiiyak s'ya sa tatay n'ya para hanapan s'ya ng CPU kasi deadline na ng script ng thesis namin... comedy, drama at action nung mga panahong magkasama kami ni siops...
Sunday, March 29, 2009
dearest tristan.

i'm sorry for being late. (soooo late.), left home early pero inabot pa rin ng lahat ng klaseng traffic sa manila at qc (isama mo na ang adventure namin ni the great sa kalsada.) nga pala, magaling na photog ang tatay ko pero hindi sya pwedeng driver hehe, nagsama pa kami, isa pa akong tanga sa direction, alam ko ang lugar at narating ko na pero di ko alam paano pumunta (kaya nga mahal na mahal ko ang mga driver ng inquirer tv at abs, uupo ka na lang kasi at pag-gising mo nandun ka na sa lokasyon mo.)

sayang hindi ako umabot sa ceremony, pagdating ko kasi sa simbahan, paalis na kayo, kaya wala man lang ako kuha nung binibinyagan ka.

finally nakita ko na kayong magkakapatid, nakakatuwa kayong lahat... i'm sure in the future sobrang magiging proud sina mommy at daddy sa inyo.

sorry nga pala walang maayos na picture na kumpleto kayo, allergic ata sa picture ang ate sabine mo, hindi rin kaya ng powers ko ang mapangite at mapapayag syang sumama.

i hope and pray that you grow up to be a gentleman, take care of your family, ikaw ang kasangga ni doc pagdating sa mga manliligaw sa mga ate mo hehe
you have a very wonderful family tristan, love and protect them when you grow up :)
i am always here...
love,
ninang dhes.
Monday, March 2, 2009
ang makasaysayang larawan.
nanalo ito ng world press photo award.
kuha noong pumutok ang mt. pinatubo, nakasakay dyan si val the great kasama ang ilan pang photographer at reporter ng dyaryo.
halos nawalan na sila ng pag-asa na mabubuhay pa ng mga panahong ito, kayo ba naman ang lumapit sa nagagalit na bulkan at biglang pumutok, pagtapos nilang makaligtas abot-langit ang kanilang pasasalamat, obvious sa mga litrato nila pagkatapos makalampas dito.
3rd from right ang totoy na si the great.
habang nangyayari ito kumukuha pa rin si the great ng mga larawan, halos gumagasgas na sa mukha niya ang camera.
yung mga ganitong pangyayari parte ng trabaho, saka mo lang maiisip muntik ng mawalan ng haligi ang pamilya mo.
makasaysayan di ba? lalo na pag narinig nyo ang mga kwento nila. :)
makibaka :)
dalawa sila sa pinakamahusay na photojournalists ngayon... kuha ito ni the great noong magkakasama pa sila sa manila times habang nagra-rally sa opisina.dalawa rin sila sa pinakamakulit na photog na nakilala ko... ang bilis ng panahon dati sa bahay ko lang sila nakikita, totoy pa sila rito hehe ngayon nakikita ko na sila sa field... :)
Tuesday, February 24, 2009
Tuesday, February 3, 2009
THANKS BITCH...
for the nth time...
--
want to share my fave quote from the movie the curious case of benjamin button... letter to his daughter caroline.
"For what it's worth: it's never too late or, in my case, too early to be whoever you want to be. There's no time limit, stop whenever you want. You can change or stay the same, there are no rules to this thing. We can make the best or the worst of it. I hope you make the best of it. And I hope you see things that startle you. I hope you feel things you never felt before. I hope you meet people with a different point of view. I hope you live a life you're proud of. If you find that you're not, I hope you have the strength to start all over again. "
--
"it is always a blessing to do what you love."
Sunday, February 1, 2009
Tuesday, January 27, 2009
finally! :)
a baby girl for ate marlet and kuya byno :)
they've 3 boys and they've waited for a baby girl, god is good! :)
patrice jana bagtang was born on her mom's birthday, january 24.
Tuesday, January 13, 2009
Sunday, January 11, 2009
Wednesday, December 31, 2008
sa bulacan lang ini.
para ka lang nasa gyera kapag sumapit na ang alas-dose ng hatinggabi, dapat doble ang bulak mo sa tenga at dahil sa bulacan ako lumaki sanay na kami, kaso minsan masarap mambato ng kapitbahay kapag yung ganitong paputok na ang pinapasabog, KOME ang tawag nila rito, masakit sa puso, sa tenga at yayanig talaga.ganun pa man, maligayang bagong taon at INGAT! :)















































































































..